INAPRUBAHAN ng Local Amnesty Board (LAB) ng Catbalogan City sa Samar ang kadaragdagang labing apat na Amnesty Applications mula sa dating mga rebelde sa kanilang pinakahuling Case Conference.
Ang mga inaprubahang aplikasyon ay ipo-forward sa Office of the President, na siyang tanging mayroong kapangyarihan na magbigay o magbasura sa amnestiya.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Sinabi ni Golda Meir Tabap, Head ng Samar Provincial Information Office na kumatawan kay Governor Sharee Ann Tan, sa LAB Meeting noong Lunes, na 93 Amnesty Applications na ang kanilang inirekomenda para sa Approval ng pangulo.
Aniya, ang labing apat na Amnesty Applications ay tumalima sa Guidelines ng Amnesty Proclamation 404 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2023 na nagbibigay ng Amnestiya sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
