PUMANAW na ang South Korean actor na si Song Young Kyu, na nakilala sa pelikulang “Extreme Job,” sa edad na limampu’t lima.
Sa ulat ng Yonhap News Agency, natagpuang walang buhay si Song ng isang kakilala, sa loob ng isang sasakyan, sa isang residential building sa Yongin
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Ayon sa South Korean Police, walang mga senyales ng foul play at wala ring nadiskubreng note sa sasakyan.
Ayon sa Soompi, noong Hunyo ay nahuli ng mga awtoridad ang aktor na nagmamaneho ng lasing.
Kasunod nito ay inalis na siya mula sa kanyang roles sa TV shows na “The Defects” at “The Winning Try,” pati na sa play na “Shakespeare In Love.”
Si Song ay isinilang noong 1970, at nakilala sa Hit Action-Comedy Film na “Extreme Job,” Netflix series na “Narco-Saints,” “Big Bet,” at “The Recon,” at iba pa.
