SA nakalipas na dalawang linggo o mula August 31 hanggang September 13, 2025 ay nakapagtala na ng 152 na kaso ng Influenza-like Illness o ILI sa Quezon City.
Ito ay mas mataas ng 24.5 percent kumpara sa naunang dalawang linggo o noong August 17 hanggang 30 na May 122 ILI Cases.
Manila district engineer, pinagpapaliwanag ng DPWH hinggil sa mga iregularidad sa Sunog Apog Pumping Station
Flood Control Facility sa Maynila, ininspeksyon ng ICI
Mga nanggulo sa rally sa Maynila, sasampahan ng patong-patong na kaso – Mayor Isko
Bahagi ng North Avenue, isasara ng mahigit 2 buwan para sa konstruksyon ng MRT-7
Sa District 4 naitala ang pinakamataas na kaso ng ILI na may 78 at ang Barangay Batasan Hills naman ang barangay na may pinakamaraming kaso.
Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, simula Enero umabot na sa 1,560 kaso ng ILI ang naiulat sa lungsod at mayroong tatlo ang nasawi.
Ang Flu o Influenza ay nakakahawang sakit na dulot ng Influenza Virus at nagdadala ng Infection sa ilong, lalamunan at baga.
Maaari itong magdulot ng Mild o Severe Illness.
Kabilang sa sintomas nito ang mataas na lagnat, sipon, pananakit ng ulo, pananakit ng lalamunan, Diarrhea at ubo.