21 November 2024
Calbayog City
National Health

Kaso ng flu-like illnesses, lumobo ng 55% sa loob ng 2 linggo, ayon sa DOH

UMAKYAT sa mahigit siyam na libo ang kaso ng Influenza-Like Illnesses (ILIS) sa pagitan ng huling linggo ng Hulyo hanggang sa unang linggo ng Agosto, ayon sa Department of Health, sa gitna ng rainy season.

Sa pinakahuling datos mula sa DOH, kabuuang 9,491 cases ang naitala simula July 28 hanggang  Aug.  10, na mas mataas ng 55% kumpara sa 6,124 cases na naitala simula July 1 hanggang  27.

Lahat ng rehiyon maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakapagtala ng pagtaas ng ILIS Cases sa naturang panahon.

Samantala, simula Jan. 1 hanggang Aug.  24, umabot na sa 102,216 ILIS cases ang naitala sa bansa, na mas mababa naman ng 18% kumpara sa 125,153 cases na nai-record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon,

Ang ILIS ay grupo ng mga sakit na mayroong kaparehong sintomas, gaya  ng lagnat, ubo, sore throat o pananakit ng lalamunan, sipon, pananakit ng katawan, at pananakit ng ulo.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.