NANUMPA na ang dating brodkaster na si Cesar Chavez bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath taking ni Chavez sa Malakanyang, kahapon.
Sinabi ni Chavez na tutulong siya sa Pangulo sa pagpapaliwanag ng mga polisiya, lalo na ang mga nangangailangan ng information campaign at mas malawak na diskusyon.
Kasama na aniya rito ang executive decisions at maging foreign policies.
Sinabi ng bagong PCO Chief na magtatatag siya ng team na bubuuin ng mga eksperto sa national security, social development, at infrastructure.
Kinumpirma rin ni Chavez na ililipat sa Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan ang pinalitan niya na si dating PCO Secretary Cheloy Garafil.