HUMUPA at bumalik na sa normal ang antas ng tubig sa Marikina River sa kabila ng patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat.
As of 5pm, kahapon, bumaba na sa 14.9 meters ang water level sa ilog, dahilan para bawiin na ng lokal na pamahalaan ang itinaas na first alarm.
Mag-a-alas onse ng umaga kahapon nang itaas ng Marikina LGU ang unang alarma makaraang sumampa ang tubig sa 15 meters. Ang ibig sabihin ng first alarm ay kailangang maghanda ang mga residente sa posibleng paglikas.