12 July 2025
Calbayog City
Province

Kandidato sa pagka-gobernador sa Bohol, pinagpapaliwanag ng COMELEC matapos punahin ang underwear ng katunggali

NAGPALABAS ng Show Cause Order ang Task Force Safe ng Commission on Elections (COMELEC) laban kay Atty. Dan Neri Lim na kandidato sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Bohol.

Ayon sa Comelec, kaugnay ito ng rekamong inihain ng kaniyang katunggali na si Maria Vanessa Aumentado.

Sa reklamo ni Aumentado, noong March 19, 2025 sa isang programa sa radyo ay pinuna ni Lim ang panty at bra ni Aumentado na aniya ay “mamahalin” dahil “Victoria’s Secret” ang brand nito.

Sa parehong programa sa radyo noong March 26, binanggit din umano ni Lim na ang anak ni Aumentado ay hindi biological child ng kaniyang mister.

Ayon sa COMELEC, ang nasabing mga pahayag ni Lim ay maaaring paglabag sa Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines ng poll body partikular ang bahagi ng nagsasaad patungkol sa “Gender-Based Harassment” at “Child Abuse.”

Binigyan ng COMELEC si Lim ng tatlong araw para magpaliwanag.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).