5 July 2025
Calbayog City
National

Kampo ni Apollo Quiboloy, iaapela ang ang desisyon ng Supreme Court sa paglipat ng mga kaso ng kontrobersyal na pastor sa Quezon City

IAAPELA ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy at mga Co-accused nito ang desisyon ng supreme court na ilipat ang Child Abuse at Sexual Abuse Cases sa Quezon City Regional Trial Court mula sa Davao City RTC.

Sinabi ni Atty. Israelito Torreon na posibleng nagkaroon ng paglabag sa due process dahil hindi naman inalam ang panig ng mga partido tungkol sa panukalang ilipat ang venue.

Iginiit ni Torreon na ang desisyon ay ibinase lamang sa “unfounded” at “unsubstantiated” claims na bias ang Davao City Courts, na kung tutuusin aniya ay tila pag-atake sa lokal na korte.

Idinagdag pa ng abogado na nagulat sila na nagpasya ang kataas-taasang hukuman, sa halip na maghain ng petisyon sa Davao Court, at obligahin ng presiding judge ang mga partido na magsumite ng kani-kanilang komento.

Tinukoy din ni Torreon ang perwisyo at gastos sa bahagi ni Quiboloy at lima pa nitong Co-accused kapag tuluyang inilipat ang venue ng mga kaso.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *