UMABOT sa mahigit apat na bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng pinagsanib na epekto ng Super Typhoon Carina at pinaigting na habagat matapos manalasa noong Hulyo.
Sa final bulletin ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, 4.72 billion pesos ang kabuaang halaga ng produksyon na nawala o nalugi sa mga pananim, livestock, poultry, at fisheries, matapos ang masusing assessment ng regional field offices ng ahensya sa mga lugar na naapektuhan ng masamang panahon.
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong Petrolyo, ipinatupad ngayong Martes
MSME Lending Program, inilunsad ng Landbank
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Naitala ang damage at losses sa mga taniman at palaisdaan sa labindalawang rehiyon na nakaapekto sa 82,824 hectares ng agricultural areas.
Ang mga apektadong rehiyon ay kinabibilangan ng Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at Caraga.