DINARAYO ng mga estudyante ang Julio Cardinal Rosales Plaza (dating Sacred Heart Plaza) dahil sa libreng Wi-Fi.
Kabilang sa mga dumayo sa Plaza ang isang estudyante mula sa Northwest Samar State University (NwSSU), para magsagawa ng online research sa isa niyang subject sa paaralan.
Maharlika Falls sa Eastern Samar, isinusulong para maging premier ecotourism destination
Environmental impact ng ‘Unity Roads’ sa Samar, tiniyak na maliit lang
Unity Road Project, paglalaanan ng malaking pondo sa loob ng 2 taon
Panukalang Samar Island Connectivity Road Project, tinalakay sa Office of the Executive Secretary
Ang Julio Cardinal Rosales Plaza ay kabilang sa public areas sa lungsod na mayroong libreng Wi-Fi, na bahagi ng hakbang upang palawakin ang internet coverage.
Noong marso ay na-secure ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang commitment mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para maglagay ng libreng Wi-Fi sa labinsiyam na public locations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Sa pinakahuling update, plano ng dict na palawakin ang serbisyo ng libreng Wi-Fi sa malalayong barangay mula sa sentro ng Calbayog City.
