15 July 2025
Calbayog City
Local

Tanyag na Nijaga Park sa Calbayog City, nagbagong anyo na

TUMANGGAP ng kinakailangang facelift o makeover ang iconic na Nijaga Park, na pinasimulan ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy.

Isinailalim ang parke na pinagdausan ng maraming mahahalagang cultural at political events sa nagdaang panahon, sa iba’t ibang makeovers at ni-level-up ang ilang bahagi nito na kitang-kitang mula sa mga lansangan.

Pinaganda rin ang landscape ng Nijaga Park, at kabilang din ito sa mayroong libreng Wi-Fi, sa ilalim ng Free Wi-Fi Internet Access in Public Places Project ng lokal na pamahalaan at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Isinunod ang pangalan ng parke kay Benedicto Nijaga na isang Calbayognon at itinuturing na bayani matapos paslangin kasama ang labindalawang iba pa noong 1897 dahil sa kanilang pagkakasangkot sa katipunan.

Kinilala sila sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Labintatlong Martir ng Bagumbayan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).