7 February 2025
Calbayog City
Entertainment

Ria Atayde, isinilang na ang panganay na anak nila ni Zanjoe Marudo

ISINILANG na ni Ria Atayde ang kanilang panganay na anak ng mister na si Zanjoe Marudo.

Sa social media, ibinahagi ng aktor ang short clip mula sa ospital na tila itinutulak ang kanilang baby sa isang carrier, at isinulat ang “09.23.24” sa video na naka-tag sa kanyang misis.

Inanunsyo ni Ria ang kanyang pagbubuntis sa Instagram noong Father’s Day noong Hunyo bilang pagbati kay Zanjoe. Ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng civil ceremony noong Marso, matapos ang kanilang engagement, isang buwan bago ang kanilang pag-iisang dibdib.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).