ITINANGGI ni Julia Barretto ang tsismis na secret engagement nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.
Sinabi ng aktres na walang sekretong ibubunyag dahil wala pa namang engagement sa pagitan nila ni Gerald.
Inihayag ni Julia na mahirap magkaroon ng sekreto sa mundong mabilis ang balita.
Ipinaliwanag din ni Julia na hindi dapat tinatanong palagi ang isang tao kung kailan magpapakasal dahil kusa itong ibinabahagi ng magkasintahan kapag sila ay handa na.