UMAKYAT ng halos sampung porsyento ang kabuuang rice inventory sa pagsisimula ng taon.
Sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang rice stocks inventory as of Jan. 1, ay nasa 2.03 million metric tons.
Mas mataas ito kumpara sa 1.85 million metric tons na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang rice inventory noong Enero ang pinakamataas sa nakalipas na isang taon at unang beses na nakaabot sa two-million metric ton level simula noong December 2022.