4 December 2025
Calbayog City
Business

Electric Vehicle Sales, inaasahang aabot sa 50,000 units hanggang sa katapusan ng 2025

TIWALA ang Department of Energy (DOE) na aabot sa 50,000 units ang mabebentang Electric Vehicles (EVs) hanggang sa katapusan ng taon.

Sinabi ni Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino, na positibo sila dahil sa mga numero na kanilang nakita hanggang noong Setyembre.

Batay sa registration data mula sa Land Transportation Office (LTO), lumobo sa 41,000 units ang naibentang EVs sa unang siyam na buwan ng taon kumpara sa 9,000 na naitala noong 2024.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).