ISINIWALAT ni Philadelphia 76ers center Joel Embiid na posibleng sumailalim siyang muli sa operasyon sa kaliwang tuhod.
Hindi pa rin kasi tuluyang magaling ang tuhod ni Embiid mula nang ma-injure ito sa laban kontra Golden State Warriors noong Jan. 30, 2024.
Inoperahan ang 2022-2023 NBA MVP para ma-repair ang napunit na meniscus, pitong araw matapos ang insidente subalit patuloy niya pa rin itong iniinda.
Umaasa si Embiid na magte-trenta’y uno sa susunod na buwan, na makakaya pa ng kanyang tuhod ang natitirang bahagi ng season, bagaman hindi niya inaalis ang posibilidad na muli siyang magpa-opera.