15 March 2025
Calbayog City
Local

Jobsnext 2.0 Program inilunsad sa Samar

INILUNSAD ng pamahalaang panlalawigan ng Samar ang isa sa mga bago nitong programa na naka-sentro sa  Human Capital Development na “Jobsnext 2.0 Program” sa Tandaya Hall sa Catbalogan City.

Ang Jobsnext ay isang skills development program na ipinatupad ng Philippine Business for Education (P-BEd), sa pakikipagtulungan ng Citi Foundation.

Layunin ng programa na bigyan ang workforce ng skills para sa trabahong mapakikinabangan sa hinaharap, sa pamamagitan ng industry-relevant, up-to-date, at demand-driven training programs, sa pakikipagtulungan ng Local Government Units.

Noong huling bahagi ng 2022, ang provincial government ng Samar, sa pamamagitan ni Governor Sharee Ann Tan, ay lumagda ng partnership sa P-BEd para sa Jobsnext Program sa lalawigan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *