NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa agarang pag-kompleto ng Leyte Tide Embankment Project, na isang dekada nang under construction.
Sa kanyang talumpati sa Burauen Community College sa Leyte, sinabi ng Pangulo na idinesenyo ang proyekto para magsilbing proteksyon sa coastal communities mula sa malalaking alon.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Aniya, dapat itong bigyan ng atensyon dahil mapagbubuti nito ang disaster resilience.
Inihayag ni Pangulong Marcos na lagpas kalahati na ang nagawa sa naturang project at hangad niya na sa lalong madaling panahon ay matapos na rin ito ng Department of Public Works and Highways.
Batay sa report ng DPWH, hanggang noong katapusan ng Disyembre, nasa 64 percent nang kompleto ang Tide Embankment Project.
Una nang inamin ng DPWH 8 Director Edgar Tabacon na patuloy na nananatiling hamon ang pagtatayo ng 38.12-kilometer storm surge protection mula Tacloban City patungong Tanauan, labing isang taon matapos tumama ang Super Typhoon Yolanda sa rehiyon.
