PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial turnover ng 5,517 housing units sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa tatlong lalawigan sa Eastern Visayas Region.
Sa naturang event sa Burauen Community College sa Leyte noong Biyernes, ipinasa ng Pangulo ang Symbolic Keys sa Local Chief Executives ng walong bayan sa Eastern Visayas at sa tatlong piling benepisyaryo ng housing units.
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Northern Samar, nagbigay ng short-term jobs sa mahigit 200 miyembro ng vulnerable sector
DPWH, bibilisan ang pag-repair sa Maharlika Highway sa Samar
Bago ang ceremonial turnover, personal na pinasyalan ni Pangulong Marcos ang Spring Residences sa Burauen, na binubuo ng 600 bungalow-type units, na ang bawat lot area ay 40 square meters at ang floor area ay 28.60 square meters.
Ang Cool Spring Residences ay itinayo sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program sa ilalim ng National Housing Authority.
