PINATAWAN ng indefinite suspension ng Miami Heat si Jimmy Butler matapos mag-walkout sa practice.
Sa statement ng Heat na naka-post sa X, effective immediately ang suspension kay Butler.
Ipinaliwanag sa post, na ang parusa sa nag-alborotong forward ay bunsod ng patuloy na pag-balewala nito sa team rules, na nakaaapekto na sa koponan.
Ito ang ikatlong beses ngayong buwan na sinuspinde ng Heat ang trenta’y singko anyos na si Butler, na inaasahan sanang makababalik na sa laro, matapos ang two-game ban matapos ma-miss ang isang team flight.