21 May 2025
Calbayog City
Overseas

15 Kurdish Militants sa Syria at Iraq, pinaslang ng Turkish Military

INANUNSYO ng Turkey ang pagkakapaslang sa labintatlong Kurdish Militants sa Northern Syria at dalawa sa Iraq, senyales ng pagsusulong ng Ankara sa kanilang kampanya laban sa mga rebelde.

Sinabi ng Turkish Defense Ministry na ang mga napaslang na Kurdish fighters sa Syria ay mula sa Kurdistan Workers’ Party (PKK) at sa Syrian Kurdish YPG Militia.

Ikinu-konsidera ng Turkey ang PKK at YPG na identical, habang ang itinuturing ang mga ito ng United States bilang magkahiwalay na grupo.

Terorista ang turing ng Amerika sa PKK habang nire-recruit naman ang YPG bilang pangunahing kaalyado sa Syria sa kampanya laban sa Islamic State.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).