TAGUMPAY ang pagbabalik ni Jimmy Butler sa hardcourt mula sa injury makaraang padapain ng Miami Heat ang Philadelphia 76ers sa score na 106-89.
Matapos hindi makapaglaro ng apat na sunod na games dahil sa sprained right ankle, nakapagtala si Butler ng season-high na 30 points, 10 rebounds at 5 assists.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Pinangunahan naman ng rookie na si Jared McCain ang Philadelphia sa kanyang 20 points, habang nag-ambag ang veteran na si Paul George ng 18 points.
Ang 76ers center na si Joel Embiid na naglaro pa rin sa kabila ng pagiging listed bilang questionable dahil sa sakit, ay gumawa ng 11 points, 8 rebounds, at 5 assists sa loob ng tatlumpu’t isang minuto.
