Pumalo sa panibagong box-office record ang hit movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Again” na kumita ng 131 million pesos sa loob lamang ng isang araw noong Sabado.
Sa pinakahuling tala noong lunes, umabot na sa 566 million pesos ang kinita sa takilya ng reunion movie nina Kathryn at Alden.
ALSO READ:
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Umalis ang dalawa para dumalo sa Asian World Film Festival, kung saan ang “Hello, Love, Again” ang magsisilbing closing film.
Gumawa rin ng kasaysayan ang naturang pelikula sa opening weekend gross nito sa Amerika.
Ayon sa entertainment site na Deadline, kumita ang “Hello, Love, Again” ng 2.4 million dollars sa debut weekend nito, at na-secure ang No. 8 Spot sa U-S Box Office.
