12 March 2025
Calbayog City
Business

Dollar reserves, bumagsak sa 103 billion dollars noong enero

BUMABA ang reserbang dolyar ng bansa sa nine-month low noong enero.

Sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala sa 103.02 billion dollars ang Gross International Reserves (GIR) ng bansa sa unang buwan ng 2025.

Mas mababa ito ng tatlong porsyento kumpara sa 106.26 billion dollars noong disyembre ng nakaraang taon.

Ang january GIR ang pinakamababang lebel mula nang maitala ang 102.65 billion dollars noong april 2024.

Ayon sa BSP, ang pagbaba ng GIR ay repleksyon ng net foreign exchange operations ng central bank at nabawasang deposits ng national government para ibayad sa utang sa ibang bansa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).