PINADAPA ng Barangay Ginebra ang Meralco, sa score na 94-87, na mahigpit na sagupaan sa game 3 ng kanilang best-of-three quarter finals series sa PBA season 49 Commissioner’s Cup, sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
Binura ng Gin Kings ang maagang 13-point deficit laban sa bolts, para sa kanilang semifinal encounter laban sa top-seeded na Northport.
Pinangunahan ng resident import na si Justin Brownlee ang Ginebra sa kanyang 25 points, 10 rebounds, 7 assists, 2 blocks, at one steal, para makabawi sa kanilang mabagal na simula sa laro.
Nag-ambag naman sina Stephen Holt ng 17 markers 5 boards at 2 dimes; at Rj Abarrientos ng 16 points, 4 rebounds, at 3 assists.