NAILATAG na ang plano para sa konstruksyon ng 5.05 billion pesos na halaga ng tulay sa Liloan, Southern Leyte para palitan ang 47-year old na existing bridge sa loob ng nautical highway na nag-uugnay sa Luzon hanggang Mindanao.
Ang panukalang tulay na daraan sa Panaon Strait na konektado sa Panaon Island hanggang Leyte Island at kinapapalooban ng konstruksyon ng 230-meter cable-stayed main bridge, ay isang 146-meter approach bridge, at 345-meter approach road, na papalit sa sira-sira nang Liloan Bridge.
ALSO READ:
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Ang buong proyekto na popondohan ng Export-Import Bank of Korea (EXIMBANK) at ng gobyerno ng Pilipinas, ay target makumpleto sa loob ng anim na taon.
