13 August 2025
Calbayog City
Province

Instrumentong ginagamit sa Monitoring sa Mt. Pinatubo, ninakaw

NINAKAW ang mga instrumento na ginagamit ng PHIVOLCS para ma-monitor ang aktibidad ng Mt. Pinatubo.

Ayon sa PHIVOLCS, natuklasang nawawala ang Digitizer, Solar Batteries, at Solar Charge Controllers na nagkakahalaga ng mahigit na isang milyong piso sa kanilang San Jose Observation Station sa San Jose, Tarlac.

Sinabi ng PHIVOLCS na mahalaga ang nasabing mga kagamitan para sa pagbabantay ng PHIVOLCS sa aktibong bulkan gaya ng Mt. Pinatubo partikular ang pagre-record ng Volcanic Earthquake, at Tectonic Earthquakes.

Ang pagnanakaw sa nasabing mga gamit ay mayroong katapat na parusa sa ilalim ng RA 10344 o Risk Reduction and Preparedness Equipment Protection Act of 2012.

Ito na ang pangatlong insidente ng pagnanakaw sa San Jose Observation Station kasunod ng mga insidente ng pagkawala ng Solar Panels noong October at December 2024.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).