UMABOT na sa kabuuang 2,742 ang insidente ng sunog sa buong bansa sa unang dalawang buwan ng 2024.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, mas mataas ito ng 23 percent kumpara sa 2,224 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.
Batay sa datos ng BFP, lumobo sa limampu’t lima ang bilang ng mga nasawi sa sunog simula Jan. 1 hanggang Feb. 26, mula sa tatlumpu’t siyam noong nakaraang taon.
Umakyat din sa 1.23 billion pesos ang halaga ng pinsala ng sunog simula Enero hanggang Pebrero ngayong taon kumpara sa 1.11 billion pesos na naitala sa unang dalawang buwan ng 2023.