TARGET ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na mai-deport ang mahigit isang libong POGO workers na nasa kanilang kustodiya.
Sinabi ni PAOCC Executive Director, Undersecretary Gilbert Cruz, na ang naturang POGO workers ay kasalukuyang naka-ditine sa kanilang temporary detention facility sa Pasay City.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Idinagdag ni Cruz na ilang sa POGO workers ay dina-dialysis at ginagamot dahil sa HIV.
Aniya, sisikapin nila na ma-deport ang mga dayuhan sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, dahil karamihan sa mga ito ay walang pasaporte.
Ipinaliwanag ng PAOCC chief na sa mga kaso ng deportees na walang passport, nakikipag-ugnayan sila sa mga embahada upang maisyuhan ang mga dayuhan ng one-time travel document.