26 November 2025
Calbayog City
Business

Infrastructure Spending ng bansa, bumaba noong Setyembre

BUMAGSAK sa ikatlong sunod na buwan ang Philippine Infrastructure Spending noong Setyembre, sa gitna ng mga imbestigasyon bunsod ng flood control anomalies.

Sa report ng Department of Budget and Management (DBM), bumaba ang expenditures sa infrastructure at iba pang capital outlays ng 42.6% o sa 78.7 billion pesos noong Setyembre mula sa 137.1 billion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Mas mababa rin ito ng 7.2% mula sa 84.9 billion pesos noong Agosto.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).