INANUNSYO ng Israeli military na napaslang ang second most senior figure ng Hezbollah sa unang air strikes sa loob ng ilang buwan sa Southern Beirut.
Inilarawan ng Israel Defense Forces (IDF) si Hezbollah Chief of Staff Haytham Ali Tabatabai, bilang “Key Operative and Veteran” sa Terrorist Organization.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Inihayag ni IDF Chief of Staff Lt. Gen. Eyal Zamir na layunin ng pag-atake na mapigilan ang organisasyon na palakasin ang kanilang kapabilidad at makapaglunsad ng opensiba na magdudulot ng pinsala sa Israel.
Ayon sa Lebanese Health Ministry, lima katao ang nasawi habang dalawampu’t walo ang nasugatan mula sa naturang pag-atake.
