5 December 2025
Calbayog City
Metro

Indonesian, arestado sa pagkuha ng malalaswang larawan at videos ng mga batang babae

TIMBOG ang Indonesian na lalaki bunsod ng umano’y pagkuha ng malalaswang litrato at videos ng kabataang babae sa Quezon City.

Dinakip ang bente otso anyos na dayuhan na kadarating lamang sa Pilipinas, matapos umanong mambiktima at abusuhin ang mga batang babae sa online kapalit ng halaga na hanggang dalawampung libong piso.

Ayon sa pulisya, nag-alok ng pera ang suspek sa isang grupo ng mga ina na ang kanilang anak ay nagfa-fashion show sa online.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.