Tumaas ang inaprubahang foreign investment pledges, noong second quarter, dahil sa lumakas na kumpiyansa ng mga investor, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Lumobo ng 220.7% o sa 189.5 billion pesos ang foreign investment commitments simula Abril hanggang Hunyo kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
BIR, nalagpasan ang target collection sa unang 2 buwan ng taon
Halaga ng piso kontra dolyar, muling sumadsad
Kabaliktaran ito ng 64% contraction na naitala sa unang quarter ng 2024.
Pinakamataas ang halaga ng foreign investment pledges noong second quarter simula nang aprubahan ang 394.45 billion pesos noong fourth quarter ng 2023.
Sa ikalawang quarter, ang Switzerland ang top source ng foreign investment pledges na nagkakahalaga ng 172.04 billion pesos o 90.8% ng kabuuang commitment.
