Kumita ng mahigit 100 million pesos ang reunion film na “Un/Happy for You” nina Julia Barretto at Joshua Garcia, apat na araw pa lamang ang nakalilipas mula nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula.
Ibinahagi ng movie outfit na Star Cinema ang magandang balita sa pamamagitan ng social media post, kahapon.
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Lead stars ng ‘Tangled’ live-action remake, pinangalanan na
Sa direksyon ni Petersen Vargas at sa panulat nina Kookai Labayen, Crystal San Miguel, at Jen Chuaunsu, ang “Un/Happy for You” ay binuksan sa mga sinehan noong Huwebes.
Unang nagtambal ang Joshlia sa “Vince and Kath and James” noong 2016, sinundan ng “Love You to the Stars and Back” noong 2017, “I Love You, Hater” noong 2018, at “Block Z” noong 2020.
Nagsama rin ang dating magkasintahan sa TV series na “Ngayon at Kailanman” noong 2018 at nag-reunite para sa music video ng “Paubaya” ni Moira dela Torre noong 2021.
