14 March 2025
Calbayog City
Business

Inangkat na karne ng bansa, tumaas ng 3% sa unang quarter ng 2024

LUMOBO ng 3.06% ang meat imports sa unang quarter ng taon.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), umabot sa 273.64 million kilograms ang inangkat na karne simula Enero hanggang Marso ng 2024.

Kumpara ito sa 265.52 million kilos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang pork imports na kumatawan sa 46.96% ng kabuuang inangkat na karne ay umabot sa 128.51 million kilos o mas mataas ng 11.92%.

Ang Spain ang primary source para sa karneng baboy na umabot sa 33.77 million kilos, sumunod ang Brazil (31.89 million kilos) at Canada (18.38 million kilos).

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *