HINDI makaaapekto sa presyo ng asukal sa mga susunod na buwan ang importasyon ng halos kalahating milyong metriko tonelada ng puting asukal.
Sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Azcona na hindi rin makaaapekto sa mga magsasaka ang pagdating ng 424,000 metric tons ng refined sugar na magsisimula bukas.
Aniya, stable na ang presyo ng asukal sa Retail Market at ang refined sugar ay nanatili sa 85 pesos per kilo sa nakalipas na tatlong taon.
Una nang pinayagan ng SRA ang pag-aangkat ng puting asukal upang matiyak na patuloy na magkakaroon ang bansa ng sapat na supply para sa Domestic Consumption at Buffer Stock.