ITINIGIL ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa reklamong graft laban kay Speaker Martin Romualdez at sa iba pang mga lider ng Kamara, kaugnay ng pagpasa sa 6.325-trillion peso 2025 national budget.
Ipinaliwanag ni Ombudsman Samuel Martires na hindi maaring pagpasyahan ng Anti-Graft Court ang kaparehong isyu na kinu-kwestyon din sa Supreme Court.
Ang tinutukoy ng Ombudsman ay ang petition for certiorari and prohibition na inihain sa Korte Suprema nina Dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Davao City Rep. Isidro Ungab, at iba pa.
Kabilang sa kanilang kinukwestyon ay ang ligalidad ng 2025 General Appropriations Act bunsod ng umano’y mga blangkong item sa Bicameral Conference Committee report.
Idinagdag ni Martires na kailangan munang resolbahin ng Supreme Court ang isyu sa constitutionality bago maipagpatuloy ng Ombudsman ang nakabinbing criminal complaint.