ISINAILALIM sa State of Calamity ang Ilocos Norte kasunod ng pananalasa ng Bagyong Carina na nagpaigting sa habagat.
Sa regular session sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, inaprubahan unanimously ng Ilocos Norte Provincial Board ang resolusyon na nagdedeklara ng State of Calamity sa probinsya.
ALSO READ:
Sitwasyon sa Tipo-Tipo, Basilan, kontralado na – AFP
Truck na nahulog sa ilog sa Mt. Province, pumatay ng 3; 2, pinaghahanap pa
Taal Volcano sa Batangas, ilang beses pumutok sa nagdaang Weekend; Alert Level 1, nananatili
15 estudyante sa Padada, Davao Del Sur, isinugod sa ospital dahil sa Fatigue at gutom
Batay sa initial report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), kabuuang 3,288 families na binubuo ng 10,852 individuals ang naapektuhan ng kalamidad.
Ang mga ito ay mula sa landslide at flood-prone areas ng Bangui, Badoc, Bacarra, Pagudpud, Banna, Adams, Solsona, Piddig, Burgos, at Paoay, at mga lungsod ng Batac at Laoag.
