DALAWAMPU’T dalawa mula sa dalawampu’t apat na paaralan sa Navotas City ang nagbukas ng klase, kahapon, alinsunod sa schedule.
Sa unang araw ng pagbabalik eskwela ay naglibot si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa ilang mga paaralan sa lungsod, gaya sa kapitbahayan elementary school, upang makita ang sitwasyon.
Tulad sa ibang lungsod, ilang paaralan sa Navotas ang ginamit bilang evacuation centers sa kasagsagan ng pagbaha noong nakaraang linggo, subalit agad namang nakapagsagawa ng cleanup operations pagbalik ng mga evacuee sa kani-kanilang tahanan.
Target namang buksan ang klase sa tanza elementary school at tanza national high school, bukas, July 31.