27 March 2025
Calbayog City
National

VP Sara, tinawag na political harassment ang pag-alis ng PNP sa kanyang security detail

BINANATAN ni Vice President Sara Duterte si pnp Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kasunod ng pag-alis sa pitumpu’t limang pulis na nakatalaga sa kanyang security detail, sa pagsasabing isa itong kaso ng political harassment.

Sa kanyang open letter kay marbil, binigyang diin ni Duterte na ang pag-recall sa ilang pnp Police Security and Protection Group (PSPG) Personnel na naka-assign sa kanya, ay nangyari pagkatapos niyang mag-resign sa Department of Education, paghambing niya sa SONA sa isang catastrophic event at sa paglabas ng cocaine video umano ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sinabi ni VP Sara na kabilang sa relief order ay mga PNP personnel na kanyang pinagkakatiwalaan dahil ilan sa mga ito ay kabilang sa security ng kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte simula noong 2016, at iba pa na kanyang sariling security simula noong 2007.

Idinagdag ng bise presidente na hindi naman nag-request ang PNP ng pullout sa pspg personnel para ipandagdag sa pwersa sa National Capital Region.

Aniya, sinabihan lang sila sa Office of the Vice President tungkol sa ipu-pullout na personnel at hindi na sila nakipagtalo pa.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.