SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang illegal indoor firing range sa loob ng isang bahay, kasunod ng reklamo ng mga kapitbahay sa Bulacan.
Ayon kay Police Lt. Col. Milgrace Driz ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group, mayroong mga residente na nakapalibot sa ni-raid na bahay na nakakarinig ng mga putok ng baril.
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
Nabatid na dating security officer ng isang chinese ang may-ari ng illegal firing range, at mayroon itong mga kaso sa Laguna at sa iba pang mga lugar.
Kabilang sa nasamsam ng mga awtoridad ang isang short firearm at ilang rounds ng mga bala.
Samantala, sa isa pang operasyon sa bulacan, nasakote ang isang indibidwal dahil sa iligal na pagbebenta ng armas sa online.
Dinakip ang suspek matapos nitong bentahan ng micro submachine gun at .38 revolver ang isang babaeng pulis na nagpanggap na customer.
