INIIMBESTIGAHAN na ng mga pulis sa Amerika kung may kaugnayan ang pagsabog sa labas ng Trump Hotel sa Las Vegas sa malagim na car-ramming attack sa New Orleans.
Nasawi ang driver ng Tesla Cybertruck habang pitong iba pa ang nasugatan sa Las Vegas makaraang sumabog ang sasakyan na may kargang fuel canisters at firework mortars.
ALSO READ:
Lalaking nagtangkang i-assassinate si US President Donald Trump, hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo
Anak ni Dating Libyan Leader Muammar Gaddafi, patay sa pamamaril
80 Nigerians na kinidnap, nakauwi na sa kanilang mga pamilya matapos tumakas
Supreme Leader Ali Khamenei, nagbabala sa US ng regional war kapag inatake ang Iran
Ayon sa mga awtoridad, lahat ng mga nasugatan ay pawang menor de edad.
Sa New Orleans attack, isang 42-year old US citizen ang pinaniniwalaang umararo sa mga tao sa abalang kalsada sa pamamagitan ng pick-up truck, na ikinasawi ng labinlima katao at ikinasugat ng tatlumpu’t limang iba pa, bago ito binaril ng pulis.
