NABAWASAN ng 10.62 percent ang crime rate sa Metro Manila sa nagdaang buwan ng Disyembre, batay sa tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Mula sa 10,323 na krimen na naitala noong Nov. 2024, bumaba ito sa 9,227 noong nakalipas na buwan.
Partikular na bumagsak ang focus crimes ng 11.94 percent, na mula sa 469 cases noong ika-labing isang buwan ay bumaba sa 413 sa huling buwan ng taon.
Ang focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, motorcycle theft, physical injury, rape, robbery, theft, at vehicle theft.
Ayon sa NCRPO, nabawasan ng 10.71 percent ang murder cases habang 30.77 percent ang ibinaba sa homicide at 50 percent sa motorcycle theft.