IBINASURA ng sandiganbayan ang 5-million peso Ill-gotten Case laban kay yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. At asawa nitong si Imelda, bunsod ng hindi maipaliwanag na kawalan ng aksyon ng prosekusyon sa mga nakalipas na dekada.
Sa labindalawang pahinang resolusyon, dinismis ng Anti-Graft Court ang naturang kaso sa ilalim ng Civil Case 0032 bunsod na kawalan ng gana ng state prosecutor na isulong ang kaso simula noong 1994.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sa nabanggit na Civil Case, inakusahan ang mag-asawang Marcos at isang Fernando Timbol na iligal na nag-may-ari ng mga sasakyan at household appliances na dapat ay ibinalik sa gobyerno.
Inihayag ng Sandiganbayan na malinaw na nabigo ang nagsakdal na ipagpatuloy ang kaso sa loob ng mahabang panahon.
Dahil sa delay, sinabi ng Anti-Graft Court na ang pagbasura sa Ill-Gotten Wealth Case laban sa mag-asawang Marcos para sa actual, moral, temperate, nominal, and exemplary damages at attorney’s fee ay legal.