HINDI madaanan ang ilang kalsada sa bahagi ng Samar at Leyte dahil sa pagbaha at landslides, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa mga hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang road sections sa Taft, Eastern Samar, lalo na ang mga Barangay Malinao, San Pablo, at Mabuhay.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Tinaya ng DPWH ang lalim ng baha sa isandaang sentimetro, hanggang kahapon ng hapon.
Naiulat din ang landslide sa San Miguel – Babatngon Road sa may Barangay Pinarigusan, dahilan kaya delikadong daanan ang kalahati ng lansangan.
Sa Mayorga, Leyte, isinara ang road section sa Barangay Liberty bunsod din ng baha, pati na rin sa Barangay Payao sa Villaba, Leyte.
