Nagpasya ang health officials sa Gaza Strip na ilagay ang mga bangkay ng Palestinians na nasawi sa Israeli air strikes sa ice cream freezer trucks.
Ito ay dahil lubhang mapanganib kung ililipat ang mga ito sa mga ospital at wala na ring espasyo sa mga sementeryo.
Ipinaliwanag ng isang opisyal ng ospital sa Deir Al-Balah, na hanggang sampung katawan lamang ang kayang i-accomodate ng kanilang morgue, kaya bumili sila ng ice cream freezers sa pabrika upang doon ilagak ang mga bangkay.
Ang freezer trucks na karaniwang ginagamit sa pagde-deliver ng mga ice cream sa supermarkets ay ginawang mga morgue para sa mga biktima ng digmaan sa pagitan ng Israeli forces at militanteng grupong Hamas.