BINIGYANG-diin muli ni Senate President Vicente Sotto III na kailangang maisabatas na ang panukalang pagbuo ng Independent People’s Commission o IPC na magsisiyasat sa lahat ng proyekto ng gobyerno.
Kasunod ito ng petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa Constitutionality ng Executive Order na bumuo sa Independent Commission for Infrastructure o ICI
Acting PNP Chief Nartatez personal na dumalaw sa mga sugatang pulis at pinarangalan ang nasawing kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Sinabi ni Sotto na Remedial Measure lamang ang pagbuo ng ICI upang agad nang maimbestigahan ang mga anomalya sa Flood Control Projects.
Iginiit ng Senate leader na mahalagang maisulong ang Senate Bill 1215 upang magkaroon ng isang komisyon na may mas matibay at matatag na kapangyarihan sa pagsusulong ng pananagutan sa mga sangkot sa iregularidad at anomalya.
Kinumpirma naman ni Sotto na malalaman pa niya ang sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kaugnay sa kanyang hiling na sertipikahang Urgent ang panukala upang mapabilis ang pagsasabatas nito.
