NAGPALIWANAG si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kung bakit hindi nito kinausap ang Chinese Counterpart sa katatapos lamang na 19th ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) sa Malaysia.
Sinabi ni Teodoro na isang araw bago ang Defense Ministers’ Meeting sa Kuala Lumpur, ay nag-release ng Statement ang China na kailangang ayusin ng Pilipinas ang mga pamamaraan nito, kung ayaw nitong magdusa sa kahihinatnan ng mga aksyon nito.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Aniya, kung sinsero ang China ay makikipag-usap siya pero tila sampal sa mukha at hindi niya tatanggapin ang paratang ng China na bina-blackmail ito ng Pilipinas.
Idinagdag ng kalihim na sinusundan din niya ang Statement ni Chinese President Xi Jinping, sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa South Korea, na labanan ang Unilateral Bullying.
Gayunman, nagtataka si Teodoro kung bakit kapag Pilipinas ang pumapalag ay ayaw ng China.
