MAKIKIPAG-ugnayan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng ban sa POGO.
Kabilang dito ang Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking, Bureau of Immigration, Anti-Money Laundering Council, Philippine National Police, at National Bureau of Investigation.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Naniniwala si PAOCC Executive Director, Undersecretary Gilbert Cruz, na layunin ng direktiba ni Pangulong Marcos na tapusin na ang pamamayagpag ng gambling activities na naging daan ng mga POGO para pagtakpan ang kanilang mga krimen.
Tiniyak din ni Cruz sa publiko na ipagpapatuloy ng PAOCC at iba pang Law Enforcement Agencies ang pag-neutralize sa mga “scam farm” na nag-o-operate pa rin sa bansa.
