KINILALA ng Department of the Interior ang Local Government (DILG) ang iba’t ibang accomplishments ng Lalawigan ng Samar sa “Susgaranan 2023: Pagkilala han mga Landaw han Maupay nga Pangobyernohan”, sa Tandaya Hall sa Catbalogan City, kahapon.
Ibinahagi ni Governor Sharee Ann Tan ang kanyang kagalakan, kasabay ng pagpapasalamat sa mga natanggap na awards.
Tiniyak din ni Tan na ipagpapatuloy ng Provincial Government ng Samar ang mga hakbangin, hindi lamang para sa natanggap na pagkilala, kundi para sa kabutihan at kapakanan ng mga Samarnon.
Kabilang sa mga natanggap na awards ng lalawigan ang Plaque of Appreciation para sa iba’t ibang suporta sa DILG at Plaque of Recognition para sa mahusay na performance ng Samar sa iba’t ibang Audits at National Search Awards.